SULYAP ng isang blogger...: WORST ENEMY: YOURSELF

Friday, February 03, 2006

WORST ENEMY: YOURSELF

Ed's Note: Ang mababasa ninyo ay pawang opinion lamang ng may-akda base sa kanyang nararamdaman, at hindi para kontrahin ang sinuman.

---oo0oo---

Naniniwala ka ba sa kasabihang "Your worst enemy is yourself"?

Ako, oo. At sinasabi ko sa 'yo, ang sakit sa ulo no'n.

Alam mo kung bakit?

Ikaw ba naman yung maipit sa nag-uumpugang bato? Yung para bang may dalawang tao pero nasa iisang katawan. Iba yung gusto ng isa sa isa.

Ang gulo ko ano? Sabi ko sa 'yo masakit sa ulo yun eh!

Ewan ko ba! Ako kasi mismo nahihirapan. Iba yung gusto ng isip sa isinisigaw ng puso. Sinasabi ng isip mo na ito ang dapat mong gawin, pero kumokontra naman ang iyong puso. May tiyempo na ginagawa ko kung ano ang rasyonal at lohikal dahil alam ko yun ang nararapat gawin, pero nasasaktan naman ako. Pag tiyempo namang binibigyang daan ko ang nararamdaman ko, para namang may bumubulong sa akin na "oi, bruha, mag-isip-isip ka nga!" Hanggang ang masusunod pa rin ay yung sinasabi ng isip kahit gaano man kahirap at kasakit.

Minsan nga nasasabi ko sa sarili ko na ayaw ko nang mag-isip kasi lagi na lang ako nasasaktan. Sa isang banda, nasasabi ko rin na sana wala na lang akong pakiramdam para di na ako masaktan. Kahit na pinipilit nang limutin yung mga mapait na nangyari, dumarating pa rin yung point na maaalala mo pa rin eh.

Tapos ang mahirap pa ay yung wala kang masabihan. Walang "outlet" kumbaga. Kasi wala kang kasama na pwedeng makinig sa sentiments mo. Kaya ang gagawin mo na lang ay iiyak na lang sa kuwarto, kasi yun lang ang kaya mong gawin.

Pero sa isang banda, maganda rin yung umiyak ka eh. At least, paggising mo sa umaga, okey ka na. Kaya mong nang humarap sa tao na may ngiti at katatagan. Baka isipin tuloy ng iba mapagpanggap pala ako, pero naniniwala ako hindi pagpapanggap ang tawag dun. Basta ang masasabi ko lang, sa kabila ng pagtatalo ng puso't isip ko, sa kabila ng sakit at hirap ng kalooban na nararamdaman ko, hindi ko makakayang tumindig na may buong katatagan sa ibang tao kung wala akong SINASANDIGAN... isang bagay na aking ipinagpapasalamat.

Kung wala yung SANDIGAN ko, ewan ko lang kung magagawa kong balansehin yung dalawang nag-uumpugang bato sa pagkatao ko.

^_^

7 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Very true. We must learn how to conquer ourselves. We are a mind with a body and not a body with a mind.

Ang lalim no? Wala lang nagpapapansin lang po kapatid :)

SSD

16/5/06 22:37  
Anonymous Anonymous said...

Well done!
[url=http://ewpahjuj.com/oajt/xajl.html]My homepage[/url] | [url=http://ntzuxpjk.com/vubk/gnaa.html]Cool site[/url]

20/7/06 08:38  
Anonymous Anonymous said...

Nice site!
My homepage | Please visit

20/7/06 08:38  
Anonymous Anonymous said...

Nice site!
http://ewpahjuj.com/oajt/xajl.html | http://rfcmnrcs.com/mcsl/icgt.html

20/7/06 08:39  
Anonymous Anonymous said...

Good design!
[url=http://xxymtham.com/cgyk/lwer.html]My homepage[/url] | [url=http://hxlymxsi.com/ebci/mwyd.html]Cool site[/url]

12/11/06 03:40  
Anonymous Anonymous said...

Good design!
http://xxymtham.com/cgyk/lwer.html | http://tqjzkreo.com/bjpq/copq.html

12/11/06 03:41  
Anonymous Anonymous said...

That's a great story. Waiting for more. »

6/2/07 23:32  

Post a Comment

<< Home