It has been five years... saglit pa lang kung tutuusin, pero parang ang tagal-tagal na rin. Sa loob ng limang taon, hindi naging madali ang pagtahak ng buhay, pero masarap dahil may mga kasama ka na nakakaunawa sa iyo. Sa loob ng limang taon, maraming naganap... may mga masasaya, may malulungkot... may mga mapapait, may matatamis. Maraming kababagsakan, maraming hinanakit, pero sa awa't tulong NIYA, sa pamamagitan ng Kanyang sinugo, heto pa rin ako, nakatayo... nakakapit. Minsang nadapa, may ilang panahon ring nawalay sa Kanyang kulungan, pero kinahabagan Niya pa rin ako... iningatan ako at ang aking sangbahayan, at muli Niya akong binigyan ng pag-asa. Ngayon, heto ako't muling nakabalik, nagsusumikap na makabangong muli. At naniniwala ako na sa awa't tulong Niya, matatapos ko rin ang lakbayin ko sa mundong ito na marapat at naaayon sa Kanyang kalooban.
Hindi ko na namalayan ang paglipas ng panahon, napakabilis. Salamat sa Iyo sa lahat ng pag-iingat Niyo, at sa lahat ng Inyong mga kaloob na hindi ko na masambitla ng aking mga labi.
I.
Isang taon na naman ang lumipas
Ama ako sa Iyo'y nagpapasalamat
Buhay ko ay Iyong nilingap
Inaaliw ang puso kong naghihirap
II.
Kahit may mga sakit at hinagpis
Malilinaw ang puso't mga isip
Manghawak sa aral nang buong higpit
Upang ang pangako Mo'y aking makamit
Chorus:
Ama salamat sa pag-ibig Mong wagas
Sa mga panganib ako'y iniligtas
Itinawid sa 'king pangangailangan
Masdan, pakinggan, nawa'y kaluguran
Handog na awit sa banal Mong pangalan
III.
Batid kong ako'y mayro'ng pagkukulang
Sana ako ay Iyong kahabagan
Linisin sa aking mga kasalanan
Makapiling Ka sa buhay walang hanggan
(Repeat Chorus 2x)
Coda:
Masdan, pakinggan, nawa'y kaluguran
Handog na awit sa banal mong pangalan
5 Comments:
hmmm sister, if you are lonely, just sing the "Dala kong nakalimbag" and play happy songs like sasakyan kita, everbody on the feet, aserehe, sexbomb songs, and many more to make yourself again happy.
haaaaayyy..... nakaka-inspire naman. sa tulong at awa Niya, ako man, sana'y makaabot din doon sa dakong pinapangarap nating mga magkakapatid. makaraos din sana ang aking paglalabay. kahit ano pa ang mangyari along the way, kahit ilang beses madapa, kahit pinaka kulelat, basta makarating lang, ako man, magiging masaya na rin.
:-)
Well done!
[url=http://mtvotjcz.com/znhq/gzgb.html]My homepage[/url] | [url=http://jqpudvaf.com/dpep/enns.html]Cool site[/url]
Great work!
My homepage | Please visit
Well done!
http://mtvotjcz.com/znhq/gzgb.html | http://rmdyrcms.com/qbnd/owxd.html
Post a Comment
<< Home