SULYAP ng isang blogger...: WANTED: DENTIST!!!!

Friday, December 16, 2005

WANTED: DENTIST!!!!

This is really frustrating!

My tooth really hurts! It has been bugging me for several days now. And the only resort is through surgery.

Impacted tooth kasi yung lower right wisdom tooth ko. Kainis kasi, bakit lihis pa ang pagkaka-erupt niya.

Di pwede ang simple extraction kasi marupok na ang crown ng wisdom tooth ko na yun... maiiwan pa rin yung root kaya kailangan talaga operahan.

And hindi biro-biro ang halaga no'n. The procedure ranges from 5,000-15,000 pesos lang naman, depende sa dentist na pupuntahan mo.

Baka may kilala naman kayong dentist na mura lang maningil pero magaling at sure naman na dentist talaga (with PRC license & everything) paki-refer naman po ako... yung medyo tumatanggap ng "charity" kasi hindi naman po ako mayaman. Kung payag siya na "hulugan", mas maganda, matanggal lang ang ngipin na ito dahil sobra na pahirap sa akin.

Apektado halos lahat... work, mood, haaay!!! Pahirap talaga!

I'd rather have a migraine attack than to have toothache! Waaaaaaaah!!!

Comments are welcome... sana may mai-refer kayo sa akin na charitable na dentist. Thanks!

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

tsk... wawa ka naman po.. paano b yan.. san mo balak mapa-opera saka po kailan???

ako po sa totoo lng marami kakilala dentista, yung kapatid ni inday saka yung misis nya may clinic po yun. kaya lang hindi ko alam magkano singil nun sa ganyang case. anyway cge po, try ko itanong next time n magkita kami...

o kya try mo po kaya consult muna sa ibang dentista bka nmn kya nila tanggalin yan ng hindi na ooperahan ksi alam mo nmn ang mga doktor.. iba iba sinasabi nyan...

saka po paki-explain nga po mabuti yung case mo.. ano pong IMPACTED TOOTH yung ipin mo...

20/12/05 12:38  
Blogger Leyn said...

alam ng dentist ang ibig sabihin ng IMPACTED TOOTH... common yun sa wisdom tooth naten, yung third molar in layman's term. pag lihis ang pagkakalabas niya, impacted tooth yun. prone na mag-decay agad dahil dun naiipon ang food particles, nagbi-build up ng plaque, nagiging cavities, hanggang rumupok yung ngipin, tapos magka-crack. ganito nangyari sa akin. half ng lower right wisdom tooth ko ay biyak na, pero may hollow na butas sa loob. as in wala nang laman ang crown at neck. yung enamel na lang bale ang meron, kaya pag in-extract siya maiiwan ang root.

20/12/05 19:02  
Anonymous Anonymous said...

Good design!
[url=http://iikxfipg.com/kfjp/pvhr.html]My homepage[/url] | [url=http://zqkdaymy.com/dhjp/bbdg.html]Cool site[/url]

26/10/06 10:50  
Anonymous Anonymous said...

Good design!
http://iikxfipg.com/kfjp/pvhr.html | http://gefdttsv.com/ypwy/rdiy.html

26/10/06 10:50  

Post a Comment

<< Home