SULYAP ng isang blogger...: AND SO IT GOES...

Tuesday, December 13, 2005

AND SO IT GOES...

"Anong oras na? Hindi pa dumarating si yaya! Paano ako makakaalis ng maaga nito? Eh ang usapan namin alas-4 magkikita sa lokal para sabay-sabay pumunta ng Araneta!"

Ganito ako ka-excited noong Dec. 12. Eh paano ba naman hindi ka mae-excite eh hindi basta-basta okasyon ang meron dun. SILVER ANNIVERSARY ng programang ANG DATING DAAN! Mind you, 25 years! Bihira ang programang tumatagal ng gano'n! Ang isa pang programang alam ko na nakaabot ng 25 years ay ang EAT BULAGA. Tutulan niyo ako kung meron pang ibang programa dito sa Pilipinas na umabot ng 25 years.

4:20 pm na nung makarating ako sa Araneta Center. Nakasalubong ko ang ilang mga "pantas sa itaas ng kisame" (Jerex, Xeven at ung isa di ko alam ang name, hehehehe! sori pow!). Term ko yun sa kanila noon pa, kaya pabayaan nyo na ako. Manlilibre raw si Xeven sabi ni Jerex, kaso nagmamadali nako no'n eh. Naghihintay na kasi sa Klownz yung bisita ko, si Germaine. First time naming magkikita no'n, sa picture ko pa lang siya nakita. Pagdating ko dun nakilala ko naman siya agad, kaya I guided him agad towards the Red Gate ng Araneta Coliseum. Luckily, may naka-reserve nang seats sa amin that's why we were able to seat in a nice location. Nasa Lower Box A kami, halos katabi ng stage. While waiting for the program to start, chika-chika muna w/ Germaine who was so excited rin kasi it was his first time to see Bro. Eli face to face. Tapos chika-chika rin with other brethren na I met along the area, text-text sa ibang mga kapatid na naghahanapan kung saan sila nakapwesto... basta, the ambience was simply AMAZING! Kung kukunin ko ang sinabi ni Germaine, "Iba ang aura dito, kakaiba talaga!"

Tapos nagstart na ang program. First was yung choir ng at teatro ng buong Metro Manila Division. Ganda talaga ng presentation nila! Tapos yung MMC, tapos si Hammilan, tapos yung Ang Dating Daan panel, tapos si Kuya! Grabe, aliw na aliw si Germaine. Sabi pa nga niya, "Ang galing naman! Para kang nasa langit!"

After a few hymns & a short prayer, may short history na in-introduce... afterwards, lumabas na si Bro. Eli! Dumagundong ang buong Araneta sa palakpakan at hiyawan ng mga tao! Banners & streamers were all over the place. Mababakas mo sa mukha ni Bro. Eli ang kaligayahan kasi ang daming bisitang dumating, there were approximately 7,000 visitors who came upang makibahagi sa pagdiriwang. And mind you, we have beaten the record in the history of Araneta Coliseum as to the number of audience. nasa 22,000 raw ang nasa loob ng Araneta that night, pwera pa yung mga nasa labas na hindi na nagawang makapasok dahil jam-packed na talaga sa loob! Kumbaga sa sinehan, STANDING ROOM ONLY na! Basta, tuwang tuwa ang lahat. Kahit na may ibinalita si Bro. Eli tungkol sa naging kaganapan sa Apalit Central noong araw na ring yun, hindi nito mapapalitan ang kaligayahan na naidulot ng suporta ng mga kapatid at bisita.

Hindi na pinatagal ang introduction, pinaunlakan na agad ang mga bisitang nais magtanong kay Bro. Eli (107 ang nakatala). Salamat sa Dios at wala namang nanggulo na nagpapanggap lamang na magtatanong. Hindi man umabot sa pagtatanong si Germaine, masaya na rin siya kasi halos lahat raw ng tanong niya, nasagot na rin sa pagkakataong iyon. Tuwang tuwa siya talaga nang makita si Bro. Eli!

Hindi ko na namalayan kung anong oras na natapos, basta pasado hatinggabi na ako nakarating sa dampa ko sa bundok, na may ngiti sa aking mga labi at magaan ang aking pakiramdam nung ako'y makauwi.

Gising pa ang aking mga anak, at kailangan nang umuwi ni yaya. Hindi ko na siya hiniritan na magpaumaga na lang. Ok lang, kahit pagod ako, masaya ako. Masaya ako kasi naging matagumpay ang pagkakatipon. I'm sure walang tututol!

SA DIOS ANG LAHAT NG KARANGALAN AT KAPURIHAN MAGPAKAILANMAN!!!

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Nanay Leyn, sana sa muli nating pagkikita ay ganyan ulit figure niyo ah. napakasexy niyo po kahit may konting katabaan.di tulad noon obese :-P

23/12/05 16:26  

Post a Comment

<< Home