HOPE...
Marahil nga’y kay sarap maidlip at ‘di na magising
Lalo’t sanlaksa ang hirap at sakit sa dibdib
Marahil nga’y kay sarap panawan ng bait kahit na sandali
Ng mamanhid ang puso sa hapdi at kirot dulot ng sari-saring isipin
Ang luha ay ‘di na mapatid
at ang bukas ay tila isa na namang
nakahahapo at mabigat na pasanin
Ngunit may sumpang binitiwan
na di ko kailanman ninasang talikuran
Batid ko ang magbata ang magtiis ay di maiiwasan
upang ang pangako Mo’y aking makamtan
Kaya’t sa tuwing tila umaandap na ang pag-asa
Sa malawak mong langit yaring ulo’y itinitingala
Alam kong mahahabag at lilingap ka Ama
Habang sa tuwina’y nanganganlong at may Pagtitiwala sa Iyo
Marahil nga’y ang lahat ng ito aking babaunin
ng marating ang langit Mong tahanan
na paraisong pinapangarap
Pagkat nais kang masilayan
Makapiling ka sa ligayang wagas
at ang hapis ay isa na lang nakalipas
Kaya’t sa tuwing tila umaandap na ang pag-asa
Sa malawak mong langit yaring ulo’y itinitingala
Alam kong mahahabag at lilingap ka Ama
Habang sa tuwina’y nanganganlong at may Pagtitiwala sa Iyo
Bawat pagluha ay aariing yaman
Bawat pait, saklap ay aariing tamis
Bawat alimura ay aariing puri
Bawat dusa’y yayakapin at ipagpapasalamat
Pagka’t sa tuwing tila umaandap na ang pag-asa
Sa malawak mong langit yaring ulo’y itinitingala
Alam kong mahahabag at lilingap ka Ama
Habang sa tuwina’y nanganganlong at may Pagtitiwala sa Iyo
Ikaw ang tanging nalalabing... PAG-ASA
4 Comments:
naka-2 na ako.. hehe
Great work!
[url=http://mwqvollc.com/zfaz/tkpq.html]My homepage[/url] | [url=http://pzhfrtet.com/nvhi/sege.html]Cool site[/url]
Well done!
My homepage | Please visit
Nice site!
http://mwqvollc.com/zfaz/tkpq.html | http://cgymcfru.com/tdzx/dtww.html
Post a Comment
<< Home