SULYAP ng isang blogger...: DAHIL SA ISANG LUMPIA...

Wednesday, December 14, 2005

DAHIL SA ISANG LUMPIA...

Editor's note: I saw this article few years back from a certain "EhPinoy" sa kanyang Brinkster blog. Unfortunately, missing link na ito. Buti na lang the article was saved.



Napanood n’yo na ba ang palabas na "Ang Dating Daan" sa RJ TV 29 na dating nasa channel 13. At ang host nito ay si Mr. Eliseo F. Soriano at hindi si Brod Pitt no! Ano hindi n’yo kilala si Mr. Eliseo Soriano. Ok…ok…kung hindi ninyo talaga siya kilala eh i-describe ko na lang s’ya sa inyo.

Tan…Ta…Na…Nan…Tan…Tan…Tan…Tan…..Tan !!! (torotot).

Kinalulugod kong ipakilala si Mr. Eliseo Soriano…..


Nyeeeeee!!! Bakit lumpia?!!! Ano ba namang utak meron ako waaahh!!!

Seriously, maaring nagtataka kayo kung bakit lumpia ang pumasok sa utak ko. We'll ewan ko rin kung bakit.basta ang alam ko lang eh ito.

Dear Ate Helen, (sabay tugtog ng background music)

Isang araw pagkatapos ng pasok ko sa school naisipan kong dumaan sa Munoz kasi may Coordinating Center pala sila doon. Maiinit ang sikat ng araw ng mga oras na 'yun, tagaktak ang pawis ko. Aray ko ang sakit na ng tiyan ko kasi di pa ako kumakain ng tanghalian. Kahit na parang tambol na ang tunog ng tiyan ko at tila mamamatay na ang mga alaga ko.eh ok lang kasi pamasahe lang ang baon ko.

Hayyyy sa wakas nakarating din ako waaah ang INIT nakakauhaw.

Eh Pinoy : Magandang tanghali po dito po ba yung Ang Dating Daan?
Babae : Oo Brod, bakit po.
Eh Pinoy : Kasi po napanood ko sa TV na may doktrina daw po ngayong Lunes?
Babae : Ahh.meron nga pero mamaya pang 7:00 PM ang umpisa ng doktrina.
Eh Pinoy : Ha.alas-siyete pa po.

Patay anong gagawin ko.alas 4 pa lang.

Babae : Kung gusto mo maupo ka na lang muna d'yan at hintayin mo na lang.
Eh Pinoy : O sige ho.pahingi na lang po ng tubig..
Babae : O sige.

Makalipas ang limang taon at bumalik sa tamang pag-iisip si Rosalinda at binalikan ang kanyang anak kay Fernando Jose. Nyeee ibang palabas yata 'yun ah.

Ang tagal mag-a-ala-singko-medya pa lang. Nakakainip. Wala akong ibang magawa kundi panoorin ang mga nagluluto sa kusina na dinadaan-daanan ako. Makatulog na nga lang muna.

Nakakainis di ako makatulog.dinadaan-daanan lang ako dito. Hmmm.Etong isang ito.kanina pa daan ng daan itong nagluluto na ito ahhhh. Nakakahilo siya no.Nang biglang ngumiti.


Anong ngini-ngiti nito sa akin kilala ba kita (sabi ko sarili). Ngiti na lang din ako sa kanya. At dumaan uli 'tong nagluluto na ito sa harap ko.ng biglang nasabi ko sa sarili ko.Hindi ba ito si Mr. Eliseo Soriano.yung mismong host ng..sya nga....siya nga.si..si.si. Bro. Eli.Si Bro. Eli.

Hindi ako makapaniwala si Mr. Eliseo Soriano ang taong ito. Ang taong pabalik-balik sa kusina na abala sa pagluluto ng lumpia.di ako makapaniwala.di ako makapaniwala.di talaga ako makapaniwala Ate Helen. Kahit sino eh hindi rin agad s'ya makikilala: naka-shorts, magulo ang buhok dahil sa pagluluto, pawisan dahil sa init habang hinahalo ang lumpia sa kumukulong mantika.

Siya ba talaga ito? Baka kapatid nya lang? Baka kamukha lang. Mga katagang pumasok sa aking isipan ng makita ko ang taong ito. Wala akong masabi, hanga ako sa taong ito. Kaya kung sinoman ang nagsasabi na kurakot itong taong ito.sa maliit na paraan na ito masasabi ko na nakita ko ang isang bagay na hindi nakita ng karamihang sa atin.

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Well done!
[url=http://ubbhokqd.com/efqc/dpfr.html]My homepage[/url] | [url=http://yfyfykik.com/ovno/eype.html]Cool site[/url]

7/10/06 21:56  
Anonymous Anonymous said...

Nice site!
My homepage | Please visit

7/10/06 21:56  
Anonymous Anonymous said...

Nice site!
http://ubbhokqd.com/efqc/dpfr.html | http://yhpuodpn.com/zsio/rwfg.html

7/10/06 21:56  

Post a Comment

<< Home