buntong-hininga
minsan may dumarating na punto sa iyong buhay na mapapaisip ka.
yung bang dumarating sa buhay na magtatanong ka sa sarili mo ng "bakit gano'n?". yun bang tipo na sa magtataka ka na bakit nga nagkagano'n?
yung parang ang feeling mo hindi patas ang mundo pagdating sa iyo?
yung bang feeling na hindi kapani-paniwala na "ikaw? may problema?!!!"
as if naman imposible para sa isang tulad ko ang magkaproblema.
porke ba nakikita nilang lagi akong maingay at puro kakikayan at kakalog-an, hindi na ba kapani-paniwalang meron pala akong mabigat na dinadala?
mahirap ba makita na ang isang tulad ko ay may pasaning mabigat sa kasalukuyan?
na ang hinihingi lamang sa iba ay pang-unawa sa kasalukuyang kalagayan?
kunsabagay hindi naman talaga pwede asahan yun... sabi nga, huwag mong hanapin sa iba yung nasa iyo. at talagang hindi pwede maging patas ang mundo... meron talagang sasabihin mong mapalad, meron tila pinagkaitan. kaya nga ganito ang mundo ay para magkaroon ng balance. dahil kung ang lahat ay pantay-pantay sa lahat ng aspeto (yaman, dunong, etc.), malamang chaotic ang mundong ibabaw.
kaya sa mga puntong ganito, wala ka namang ibang karamay talaga kundi ang sarili mo... at yung nakakakita sa lihim, na Siyang lubos na nakakaunawa.
kaya pag nakaranas ako ng ganitong pakiramdam, ganito lang ang ginagawa ko:
- bumuntong-hininga;
- magsulat sa blog;
- o kaya umiyak habang gumagawa ng entry sa blog;
- tapos "makipag-usap sa lihim";
- tapos matulog (kung makakatulog agad ako after doing no.4), hoping na sa paggising ko sa umaga, magaan na uli ang pakiramdam ko.
kaya heto ako ngayon, nagsimula nang bumuntong-hininga kanina... dahil kanina ko pa pinipigilan lumuha, pero di ko nagawa... at ngayon ginagawa ko ang entry na ito sa aking outdated blog, at maya-maya ako'y iidlip na rin... para may power uli sa araw ng bukas.
ganyan lang po ang ginagawa ko pag may sama ako ng loob pero di ko pwede ilabas.
goodnight world...