SULYAP ng isang blogger...: January 2009

Tuesday, January 20, 2009

first time

graveyard shift kasi ako this week, so ang lola nyo super bangenge. nakaka-3 nights pa lang ako, at heto, mukhang mababa na ang stamina ko. ganyan yata talaga pag nagkaka-edad, hehehe!

before kaya ko hindi matulog ng 48hrs straight... lately pag di direcho ang tulog ko, hindi kinakaya ng katawan ko. natatalo ako ng pagsakit ng ulo ko.

kahit 2 hours lang basta direcho at walang istorbo okay na sa akin.

kaso pag meron kang makulit na chikiting sa tabi mo at dalawa lang kayo, paano ka nga naman makakatulog kung lagi ka nya gigisingin sa pamamagitan ng pagsundot ng butas ng ilong mo?

hahahaha!

anyway, magkukuwento lang ako eh ang haba na ng entrada ko.

eto na nga ang kwento ko:

nagising uli ako sa aking pagkatulog-manok around 3:30pm, tumatawag pala si brad babi. kaya ako naman nagreturn call.

ask nya lang na pumunta ako. sabi ko sana magising ako kasi patulog pa lang 'kako ako.

ask ko rin siya kung ano ba ang plano para kay mentor.

sabi nya sa praktis na lang daw bago umawit. ask nya uli ako kung pupunta ako.

sagot ko uli sana magising ako, di man ako makasama sa pag-awit, punta ako.

ang siste, di ako nagising. walang silbe ang alarm clock ko sa araw na ito. kainis tuloy.

nagising lang ako nang tumawag si brad magz, around 9:30pm na yun!

sabay sabi, "sister, pakinggan mo ito!"

aba'y umaawit sila... inaawit nila yung happy birthday song.

shempre akala ko naman, para kay mentor yun. kaya super hiya ako kasi nga wala ako sa pagkakataon na yun.

pinakausap sa akin si mentor, mega explain naman ang lola nyo... sagot nya sa akin "para sa atin daw ito".

kasama rin ako sa plano nilang sorpresa... kaya nasorpresa rin ako. nakakahiya talaga... wala ako nasabi kundi "pasensya mga kapatid". :(

kasi first time ko na mabigyan ng gano'n, yung i-surprise ka nila. kahit ba sabihin na sabit lang ako dahil ang talagang sosorpresahin namin ay si mentor na nagkataon ay January Celebrant din (syempre, mas important ang mentor dahil mentor nga namin siya eh), ibang level of excitement yun di ba?

mas masaya sana kung andun ako mismo sa harap nila. kasi wala nga ako sa harapan nila, naluha na ako. what more kung andun ako mismo?

shocks.

tirhan na lang ninyo ako ng cake, hahaha!!! jokeness!!!

salamat po sa Dios sa mga bagay na di ko na nalalaman! at sa mga bagay na darating pa!

Monday, January 19, 2009

to infinity and beyond

isang taon na naman ang dumaan mula nung huling post ko dito. haven't got the chance to update my blog, kawawa naman siya. naturingang blogger at kasama sa samahan ng mga blogger pero outdated ang laman ng blog ko, kalungkot.

ang dami kasing pressures...

ang dami ng suliranin...

ang dami ng kailangan gawin...

ang dami ng kailangan unahin...

pero sa kabila ng pagka-busy-busyhan ng tao, may mga bagay ka pa rin dapat na bigyang halaga.

kahit papaano, bigyang halaga mo ang sarili mo.

gaya nito, isang taon na naman ang dumaan, parang kelan lang. ambilis dumaan ng mga araw

naka-365 days na pala ulit no'n.

365 na naghapon at nag-umaga.

last year, perfect number...

this year, it's the number "8".

they say that the number 8, when laid across, stands for the "infinity" sign.

how i wish gano'n nga, sana makaabot pa at makasama sa dakong yun ng walang hanggan.

hindi naman kasi tayo dito laging mamamayan. hindi naman sa lupang ito ang ating "bayan".

sana sa mga darating pang mga paghapon at pag-umaga, anjan pa rin Siya, laging nakagabay, laging nakaalalay, laging nakasabay.

at laging magtitiyaga sa aking kaliitan... wag sana Siyang magsasawa sa mga tulad ko.

kasi super hina ko sa maraming bagay. kung 'di ko Siya kasama, hindi ko magagawa ang mga bagay na nagagawa ko ngayon.

I am not a superwoman... pero because of Him, I become "one", so to speak.

to infinity and beyond!

maligayang bati sa atin!