SULYAP ng isang blogger...: January 2008

Saturday, January 19, 2008

seven... another perfect number

noong bago pa lang ako sa pananampalatayang sinamahan ko 7 years back, pag nakakakita ako ng nagpapasalamat dahil naka-5, 6, 7 years or more na sila, naiinggit ako. inisip ko no'n sa sarili ko, "wow! ang galing!". inisip ko na sana ako rin makaabot ng gano'n katagal. ngayon, ako naman ang nakaabot ng gano'n katagal. yung mga narinig ko noon plus 5, 6, or 7 years na rin ahead of me. sana makaabot pa rin ako hanggang gano'n katagal... sana makapanatili pa rin tayong lahat hanggang sa wakas.

baka akala nyo naman pagkatuwid-tuwid ko at umabot ako sa samahan ng ganito katagal... hindi noh! hindi ako perfect... nagka-"history" rin ako. and i tell you, hindi madali ang magkaroon ng marka. kumbaga sa sugat, mag-iiwan yun ng peklat ng alaala na minsan isang panahon ay nadapa ka at nagkasugat, na kahit lagyan mo ng sebo de macho ay hindi mawawala... magfe-fade ang color ng peklat, pero hindi pa rin mawawala. magsisilbing tanda yun para magpapaalala sa akin ng nangyari sa nagdaan.

noong ika-3 taon ko, sabi ni sis bing nung lumapit ako sa kanya para magpapirma ng TG form that time sa Apalit, "perfect number ang 3 sis, marami kang dadanasing pagsubok. ingat ka po". hindi po nagkamali si sis, totoo nga pong may pinagdaanan akong pagsubok, at nadapa ako. gaya ng iba, may mga "tungkulin" rin ako sa loob. masakit at mahirap sa kalooban na nawala sakin ang mga yun. inakala ko no'n katapusan ko na, inakala kong mahihinto ako. natakot ako. isang paksa sa TG ang napakinggan ko... siguro niloob ni Bossing na maipaksa yun kasi nakita Niya yung bagbag ng kalooban ko. maawain talaga si Bossing, kasi hindi Niya hinayaang mahinto ako sa kabila ng pagkakadapa ko. natapos ang maraming buwan ng pagtitiis at pangungulit sa Kanya at kay Ingkong, nakabalik rin sa awa't tulong Niya. sapat na sa akin yung makabalik muli sa kulungan Niya. hanggang niloob Niya na makapunta ako sa ibang dako ng mundo. sa hindi inaasahang pagkakataon, biniyayaan muli Niya ako ng tungkulin, & this time yung pag-awit ang ipinagkaloob Niya sa akin.

ngayon ika-7 taon ko. another perfect number. i already presumed na may mga dadanasin muli akong matitinding pagsubok at pagliliglig. aalalahanin ko uli yung sinabi sa akin ni sis bing para mas lalong mag-ingat. sa awa't tulong ni Bossing makakapagpatuloy ako. alam ko hindi Niya ako pababayaan... kasama ko Siya eh.

48 lang kami na nailubog noong January 19, 2001. hindi ko na nagawang makilala yung 47. hindi ko rin alam kung nasa loob pa sila. wala rin akong nakakaulayaw na ka-eksatong birthday ko. pero nasa'n man sila at kung na'ndito pa rin sila, alam kong kaisa ko sila sa pagsasaya sa araw na ito, at tangan-tangan palagi yung pag-asa sa puso na pangarap nating lahat... na makarating tayong lahat hanggang sa Finals.

naalala ko yung kanta sa isang blog post ni bro. josepherdon... old rock song na ito pero naalala ko lang uli:

"Biyaheng Langit pare ko ang pasada ko
Umangkas na lahat kayo
Makasalanan rin akong sakay sa biyaheng ito pero
sa Awa Niya'y aabot rin tayo"

maligayang bati sa ating lahat!

Wednesday, January 09, 2008

brrrrr.... COLD!!!!

5:45am...

just woke up to do the usual early morning preparation for harvey to school.

as he was still eating breakfast, i peeked at my laptop to see how my Star Trek Voyager's status in torrent... it's still at 96% finished, just for episodes 1 & 2! :((

as i minimize its window, i noticed the temperature reader at my desktop... it was 8 degrees celsius outside.

8 degrees???!!! no wonder it's cold even if the A/C's off.

since i arrive in the UAE in 2006, this is the coldest so far. last year the coldest was at 14 degrees. i've had to wear "long jones" under my skirt just to beat the cold, heh-heh-heh!

i wonder if it'll be much colder in the coming days.

i wonder if it'll snow in the UAE... how i wish.

brrr... COLD!!!

gtg! :)

Labels: